Saturday, October 24, 2015

Bumoto para sa Pagbabago

 

     



Taong 1986, nakamit ng Pilipinas ang Demokrasya kung saan malaya at may kapangyarihan ang sambayanan upang maipahayag ang kanilang nais mungkahi. May kapangyarihan din ang sambayanang Filipino na mamili kung sino ang gusto nilang maglingkod sa buong Pilipinas.Ngunit sa pagdaan ng panahon marami ng nangyari kung saan parang bumaliktad ang sitwasyon kung saan ang pamahalaan na lang ang nasusunod at bihira na lamang mapakinggan ang boses ng bawat Pilipino. Ano nga ba ang ating dapat gawin upang upang maipagdating sa buong Pilipinas ang ating gusto iparating ng hindi gumagamit ng dahas?


Sa darating na dalawang libo't labing anim na taon ay may napakalaking responsibilidad   na darating sa buhay ng bawat Filipino. Isang desisyon na maaaring magkaroon ng malaking epekto sa ating lahat. Ito ang magpapasya kung ano ang magiging kapalaran nating mga Filipino sa hinaharap.
Ngayon malapit na ang halalan maraming mga kandidato ang mga nagpapalakas sa taong bayan. Ngunit sino ba sa kanila ang karapat-dapat na maging tagapamuno sa bansang Pilipinas? Yung sikat? O yung di sikat pero may nagawang mabubuting bagay sa ating bansa?

Bilang isang Filipino may karapatan tayong bumoto  at responsibilidad natin bumoto. Ayon sa survey 74.34% na rehistradong Filipino lang ang mga bumoboto tuwing eleksyon. Ano na kaya ang nangyari sa natitirang porsyento?

Tayong mga Filipino ay kilala bilang laging nagrereklamo lalo na kapag ang usapan ay ang mga problema ng bansa at ang nagiging problema sa gobyerno. Reklamo dito,  reklamo dito. Iyan ang laging bukang bibig ng mga Filipino, pero wala naman nagagawa laging hanggang reklamo lamang walng ginagawang aksyon.

Kaya sa tingin ko dapat lamang bumoto ang mga Filipinong nasa sapat na edad dahil responsibilidad nilang bumoto. Responsibilidad nilang maiparating ang boses ng bawat Filipino. Para maipahayag nila ang pagmamahal nila sa bansa. Kailangan bumoto ng mga Filipino dahil ito ang magiging daan tungo sa magandang pagbabago ng kinabukasan ng bawat Filipino.


  

20 comments:

  1. Lahat tayong mga Pilipino ay may karapatang bumoto.

    ReplyDelete
  2. Tama! Kelan man hindi makukuha sa atin ang karapatan nating bomoto

    ReplyDelete
  3. Tama! Ang isang boto natin ang magkakamit ng pagbabago dito sa ating bansa

    ReplyDelete
  4. Tama. Ang pagboto natin ay tungo sa pagbabago.

    ReplyDelete
  5. Tama. Dapat ang mga na sa tamang edad ay bumoto para sa kasunod na karapat-dapat na mamumuno sa ating bansa, dahil ito'y tungkulin at responsibilidad natin bilang isang Filipino.

    ReplyDelete
  6. Sang ayon ako sapagkat pagbabago ay sisimulan natin sa pagboto

    ReplyDelete
  7. Dapat tayo ay maging tapat at responsableng mga mamamayan sa pagboboto lalo't nalalapit na muli ang eleksyon sa bansa

    ReplyDelete
  8. tama yan karapatan natin bumoto ng karapatdapat na pinuno :)

    ReplyDelete
  9. Tama yan. Dapat tayong bumoto kung sino ang karapatdapat na tama sa satin para lahat tayo ay magkaisa

    ReplyDelete